Sigay Nu Mga Babay Inc.

Ang Sigay Nu Mga Babay Inc. ay isang grupo ng mga kababaihan mula sa Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan Maguindanao del Sur na pinamumunuan ni Guiamelan D. Sayutin. Naorganisa noong Nobyembre 9, 2017, ang Sigay Nu Mga Babay Inc. ay kasalukuyang mayroong limampung (50) miyembro, na pawang mga kababaihan, kabilang ang limang (5) kabataan at apat (4) na senior citizens. Ang mga organisasyon o grupo na katuwang ng Sigay Nu Mga Babay Inc. ay kinabibilangan ng Oxfam Pilipinas, UNYPHIL Women, UNFAO, UNDP, CSEA, MAFAR, MOST, MSSD, BDA, Kadtabanga Foundation, BWC, MTIT, New Zealand Embassy, ACTED, at PBSP.
Sa kasalukuyan, ang grupo ay mayroong iba’t ibang produkto gawa sa kabute. Gumagawa rin sila bayong, banig, certificate holder, placemat, envelope. Sila rin ay pagpoproseso ng mushroom at saging upang maging banana chips at mushroom tipas. Bukod pa rito, sila ay nagpoproseyo ng isda gaya ng tilapia at bangus at nagtatanim din ng mga gulay.
Gayunpaman, ayon sa grupo, ang mga armed conflict at kalamidad ang madalas na nagiging hadlang sa implementasyon ng kanilang mga programa. Upang mabawasan ang epekto ng mga ito sa kanilang organisyon at mga programang sinasagawa, nais ng grupo ang tuloy-tuloy na suporta mula sa iba’t ibang organisyon, ahensya, at pribadong sektor. Nais din nilang makapag-sumite ng mga proposals sa mga possibleng tagapondo ng nais nilang mga programa. Bukod sa kasakuluyang mga programa, layunin din ng Sigay Nu Mga Babay Inc. na makapagsanay ang mga 2nd liner ng kanilang organisasyon at matulungan silage magkaroon ng impluwensya sa mga mambabatas upang mapanatili ang suporta sa WEE.
Contact
Facebook: Sigay Nu Mga Babay Incorporated
Email: sigaynumgababay@gmail.com
Phone Number: 0955 721 6123