Salindaw Women Inc.

Itinatag noong Agosto 2022, ang Salindaw Women Inc., na kasalukuyang pinamumunuan ni Rowaida Akay, ay binubuo ng limampung (50) kabilang ang labinlimang (15) kabataan at sampung (10) senior citizens. Ang grupo ay matatagpuan sa  Brgy. Pagetin, Datu Salibo, Maguindanao Del Sur. Kabilang sa mga katuwang na organisasyon ng Salindaw Women Inc. ay ang UNYPHIL Women, MSSD, Oxfam Pilipinas, ACTED, at BWC.

Ang mga miyembro ay naghahabi ng mga blazer gawa sa batik at gumagawa ng mga pitaka, bag, mahahabang bistida, at hijab. Ngunit, kinakailangan nila ng tulong sa pag-ma-market ng kanilang mga produkto at pagkakaroon ng access sa iba’t ibang program ng lokal na gobyerno, iba’t ibang ahensya, at pribadong sektor. Nais din ng grupo na higit pang mapatatag ang mga negosyong pinapatakbo ng mga kababaihan upang mas maging malaking tulong ang mga ito sa kanilang komunidad.

Contact

Facebook: Salindaw Women Incorporated-SWI 

Email: salindawwomensinc@yahoo.com