Kapyanan Bangsamoro Women

Ang Kapyanan Bangsamoro Women’s Organization (KABWO) ay isang samahan ng mga kababaihan sa Cotabato City na itinatag noong 2019 sa pamumuno Kapia M. Alfonso, ang kasalukuyang presidente. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng 34 na kababaihan, kabilang ang isang may kapansanan, tatlong kabataan at tatlong senior citizen. Katuwang nila ang United Youth of the Philippines at UnyPhil – Women at kasalukuyang nakarehistro sa MOLE / Bangsamoro Women Commission.

Bilang organisasyon, ang mga produkto nila ay kabute, mani, at chiken kagikit. Gayunpaman, may ilang balakid na kinakaharap ang samahan kabilang ang kawalan ng lugar at kagamitan para sa pagtitinda ng kanilang mga produkto. Bukod pa rito, ang pabago bagong panahon ay nagiging pagsubok partikular sa pagtatanim ng kabute. Sa kabila ng mga ito, nais nilang magkaroon ng kapital hindi lamang bilang isang samahan kundi pati na rin bilang mga indibidwal. Ninanais nila na mapalakas at mapalago pa ang kanilang kabuhayan upang matulungan ang mga miyembro para sa mas magandang pamumuhay.  

Contact

Facebook: Kapyanan Bangsamoro Women’s Organization – KABWO

Email: manisanako@yahoo.com

Phone number: 09654984257