Daliday Women’s Organization
Ang Daliday Women’s Organization, na pinamumunuan ni Mona P. Rakman bilang presidente, ay naitatag noong 2023. Sa kabila ng pagiging baguhang organisayon, mayroon na itong 50 miyembrong kababaihan, 10 kalalakihan, kabilang ang tatlong may kapansanan, limang kabataan, at anim na senior citizen. Katuwang nila ang UnyPhil – Women, lokal na pamahalaan, at kasalukuyang nakarehistro sa MOLE.
Ang produkto ng samahan ay ang maharlika alamang na mayroong gata. Sa ngayon, sila ay nangangailangan ng dagdag na kagamitan at materyales sa paggawa ng kanilang produkto at lugar na kanilang magagamit sa kanilang produksyon. Kabilang sa kanilang mga hinahangad ay ang mas mapaganda ang packaging kanilang produkto at magkaroon ng indibidwal na kapital upang mas mapalago ang negoston. Nais din nilang mas maisulong ang kanilang produkto sa pamamagitan ng pag-advertise. Kung sakaling hind maging ganoon katagumpay ang kanilang produktong alamang, handa silang sumubok ng ibang kabuhayan gaya ng paggawa ng bistida.
Contact
Email:
Phone number: 09534985299